3 LIFE IMPRISONMENT | Pangunahing akusado sa 700 kilos na shabu na nasabat sa San Juan noong Dec 2016, hinatulan na

321

Manila, Philippines – Hinatulan ng tatlong life imprisonment ang pangunahing suspek sa nasabat na shabu sa San Juan noong December 23, 2016.

Guilty beyond resonable doubt ang hatol ng Pasig city regional trial court Branch 264 laban kay Chinese-Taiwanese Chen Wen De alias Jacky Tan.

Kasama rin sa mga nahatulan sina Wu Li Yong alyas David Go, Salim Arafat, Bashir Jamal, at Shi Gui Xiong.

Bukod sa 3 life imprisonment, pinagmumulta din si Chen at iba pang mga akusado ng 30 million pesos para sa transport of illegal drugs, manufacture at possession of illegal drugs.

Hapon ng December 23 nang salakayin ng NBI ang isang bahay sa MANNGA street sa sa San Juan at nasamsam ang mahigit 700 kilos na shabu.

Facebook Comments