Magsasaka sa Allacapan Cagayan, Nasamsaman ng Malalakas na Kalibre ng Baril at Bala!

12

Allacapan.Cagayan – Hinuli kaninang umaga ang isang magsasaka matapos nasamsaman ng mga malalakas na kalibre ng baril at bala sa Brgy. Capagaran, Allacapan, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Ronald Agustin Aglugub, dalawampu’t walong taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Dahil sa bisa ng search warrant sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act ay nasamsaman si Aglugub ng dalawang homemade shotgun gauge 12, tatlong bala at isang kumpletong gamit sa pangingisda.

Dinala na sa Allacapan Police Station si Aglugub upang isailalim sa inquest proceedings.

Samantala ang pagkakahuli kay Aglugub ay kinunsidera ng kapulisan na isang matagumpay na kampanya laban sa loose firearms.

Facebook Comments