Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng local transmission ng COVID-19 ang tatlong (3) Lungsod at anim (6) na bayan sa rehiyon dos.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 27, 2020, mayroon nang local transmission sa Lungsod ng Cauayan, Ilagan at Santiago.
Ang anim (6) na mga bayan ay naitala naman mula sa probinsya ng Isabela at Nueva Vizcaya.
Sa Isabela ay kinabibilangan ito ng mga bayan ng Alicia, Cabatuan at San Manuel habang sa Nueva Vizcaya ay sa Aritao, Bagabag at Bayombong.
Ang mga lugar naman na nakapagtala ng local transmission sa mismong pinagtatrabahuan ay angr Tuguegarao City Police Station, Region 2 Trauma and Medical Center, Local Goverment Unit ng Cauayan City, Isabela at sa Adventist Hospital sa Lungsod ng Santiago City.
Samantala, idineklara din ng DOH 2 na ang mga lugar na may Community Transmission ay sa lungsod ng Tuguegarao at sa bayan ng Solano sa Nueva Vizcaya.
Tgas: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, solano, Department of Health (DOH) Region 2, nueva vizcaya, tuguegarao city,