3 Lungsod ng Metro Manila, Bumisita sa Ideal City of the North!

*Cauayan City, Isabela-* Binisita ngayong araw ng ilang kawani ng tatlong Lungsod ng Metro Manila ang lungsod ng Cauayan mula sa Paranaque, Marikina at Pasig City bilang bahagi ng kanilang ‘In- Country Study Tour in Smarter Cauayan City’.

Ayon kay Ginoong Jose Abad, City Administrator ng Cauayan, layunin anya ito na ipaalam sa mga bisita ang kahandaan ng Cauayeno pagdating sa mga sakuna ng Lungsod.

Kabilang din anya sa ipinagmamalaki ng Lungsod ang serbisyo at programang ibinibigay ng tanggapan ng Information and Communication Technology na may mabilis na pagtugon sa ilang mahahalagang bagay gaya ng Climate Change, Environmental and Sanitation Activity sa buong nasasakupan ng Lungsod.


Bibisitahin rin ng mga opisyal ang Brgy. San Pablo upang makita at masuri ang waste-to-energy plant na proyekto ng Lungsod.

Samantala, nakatakda rin na bumisita ang mga kawani sa mga susunod na araw ang Santiago City at Ilagan City upang maibahagi rin ang iba’t ibang magagandang ‘practices’ ng tatlong Lungsod sa Lalawigan ng Isabela.

Umaasa naman si Ginoong Abad na mas lalong mapapabuti ang magagandang kaugalian at tradisyon ng Lungsod upang higit rin itong maipagmalaki sa ibang siyudad sa Pilipinas.

Facebook Comments