Inihahanda na ang pamahalaan ang 3 million COVID-19 vaccines na idodonate sa ibang bansa.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, una siyang naabisuhan na ang mga bakuna sa Sputnik V ay ibibigay sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kabilang aniya rito ang Cambodia at Myanmar na may shortage sa suplay ng bakuna.
“Alam ko ang Department of Foreign Affairs ang nag-aayos ng ating mga papeles for this donation. Ang una kong narinig na information and this can change, is doon sa ating mga ASEAN neighbors ‘no – I think Laos, Cambodia, Myanmar were mga target countries to receive these kasi kulang sila ng vaccines – Myanmar I think specifically for Sputnik. And then may na-mention din na African countries that want them, so iyon ‘yung current situation,” ani Herbosa
Matatandaang noong Abril ay nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa Papua New Guinea at Myanmar para sa pagsasaayos ng mga vaccine donation.