Vice President Leni Robredo, hinimok ang mga tagasuporta na tanggapin ang pasya ng mayorya ng taumbayan

2229

“Dapat nang tanggapin ang pasiya ng mayorya ng taumbayan”.

Ito ang pakiusap ni Vice President Leni Robredo sa isinagawang Thanksgiving activity ng team Leni-Kiko sa Ateneo De Manila sa Quezon City.

Gayunman, hindi siya nagpaabot ng pagbati sa presumptive president Bongbong Marcos.


Ipagpapatuloy aniya ng kanilang grupo ang napasimulang laban.

Inanunsyo ni Robredo na ilulunsad nila ang Angat Buhay NGO, isang malawak na volunteer network upang maisakatuparan ang kanilang adhikain.

Isang misa ang isinagawa bago ang programa.



Facebook Comments