3-M manggagawa, nanganganib na hindi makatanggap ng 13th month pay – ECOP

Nanganganib na hindi makatanggap ng 13th month pay ngayong taon ang nasa tatlong milyong manggagawa sa bansa.

Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), kabilang dito ang mga manggagawa sa maliliit na negosyong naapektuhan ng ilang linggong lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Aniya, katumbas ito 65% ng mahigit 7 milyong manggagawa sa formal sector.


Dagdag pa ni Ortiz-Luis, kahit anong pananakot ang gawin sa micro businesses ay wala talaga silang maibibigay.

Kaya panawagan niya sa gobyerno, pautangin ng 200 milyong pisong pondo ang maliliit na negosyo na gagamitin nilang pambayad sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Facebook Comments