3-M Sputnik V, ido-donate ng bansa sa ASEAN neighbors

Inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga papeles para sa nakatakdang donasyon ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa nito sa Asya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng NTF against COVID-19 na tinatayang nasa 3-M Sputnik V 1st & 2nd dose ang ipapamahagi ng bansa.

Partikular na ibibigay ang mga bakuna sa Laos, Cambodia, Myanmar at Africa na kung saan kulang o kakaunti lamang ang kanilang suplay ng mga bakuna.


Samantala, nasa 1-M AstraZeneca naman ang na-expire na.

Ang mga ito ani Herbosa ay donasyon mula sa COVAX Facility.

Ani Herbosa, nangako ang COVAX na papalitan ang mga napasomg bakuna nang sa ganon ay magamit ng bansa para sa nagpapatuloy na vaccination program nito.

Facebook Comments