3 magkakapatid na dadalo sa reunion sa North Cotabato hinoldap

Hinoldap ng apat na hindi kilalang suspect ang tatlong magkakapatid na nagmula pa sa Tacloban City na dadalo sana sa isang reunion sa bayan ng Libungan sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ang mga biktima, ang magkakapatid na sina Edwin Selgas Amor , 53 anyos residente ng Tacloban City, Joe Selgis Amor at Cyndi Amor Kelly.
Sakay ang tatlo ng Toyota Avanza kulay asul na may plakang ACU 9923 at pagsapit sa bahagi ng sitio Lambac barangay Malasila sa bayan ng Makilala ay dito na sila hinoldap ng 4 na nakamotorsiklong suspect. Nakuha sa kanila ang mahigit sa 20 libong pisong cash, celfone , relo, bracelet at iba pang gamit . Agad namang tumakas ang mga suspect matapos maisagawa ang krimen patungo sa hindi nabatid na direksyon habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Makilala Pnp sa insidente.

Facebook Comments