John Paul Solano, wala pang death threat; Seguridad nito, tiniyak ng MPD

Manila, Philippines – Walang nababanggit na banta sa buhay ang isa sa suspek sa pagkamatay ng law student na si Horacio “Atio” Castillo III na si John Paul Solano.

Ito ang kinumpirma ni Manila Police District spokesperson Superintendent Erwin Margarejo.

Ayon kay Margarejo, mula nang madetine ay wala pa itong nababanggit na death threat, at tanging ang lumalalang sitwasyon ang dahilan kaya ito sumuko.


Tinitiyak naman ng MPD ang kaligtasan ni Solano sa kanilang kustodiya.

Samantala, nakatakda nang sampahan ng kaso bukas si Solano sa Department of Justice (DOJ).

Si Solano ang isa sa miyembro ng Aegis Juris fraternity na nagdala kay Atio sa Chinese General Hospital kung saan siya ay idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments