3 Magkukumare, Inaresto Matapos Maaktuhang Nagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Mula sa harapan ng mesa ay makakasama pa rin hanggang sa kulungan ang 3 magkukumare matapos silang maaktuhan at maaresto sa pagsusugal sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Dahil sa natanggap na sumbong ng PNP Cauayan City mula sa isang concerned citizen na may nagsusugal sa naturang lugar ay agad itong nirespondehan kaya’t naaktuhan ng kapulisan ang paglalaro ng Tong-its ng tatlo na kinilalang sina Prescila Mariano, Anita Lucas, at Loreta Edillo.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang halagang Php590.00 bilang taya sa Tong-its.


Paliwanag ng mga nahuli na hindi umano nila alam na ipinagbabawal na rin ang paglalaro ng Tong-its kahit nasa loob ng bahay at ginagawa lamang umano ng mga ito bilang kanilang pampalipas ng oras.

Pansamantalang makakalaya ang mga suspek kung makakapaglagak ng piyansang Php18,000.00.

Nahararap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang tatlong naaresto.

Facebook Comments