3 magnanakaw, patay sa engkwentro sa Batangas

39

Batangas – Patay ang tatlong magnanakaw ng motorsiklo matapos maka-engkwentro ang mga otoridad sa Malvar, Batangas kahapon.

Sa nakuhang impormasyon, hinanap ng mga pulis ang mga suspek matapos may magreklamo sakanila na ninakaw ang kanyang motorsiklo.

Nakipag barilan ang mga suspek matapos maharang ang mga ito sa checkpoint ng PNP Highway Patrol Group sa Barangay Poblacion.

Agad namang napatay ang tatlong suspek habang narekober sa kanila ang motorsiklo, cellphone at pera ng biktima.

Ayon sa hepe ng PNP-HPG Batangas na si Police Captain Jet Sayno, ang tatlo ay maaaring miyembro ng robbery group na nambibiktima ng mga Indian nationals.

Hinimok naman ng otoridad na makipag-ugnayan sa kanila ang sinumang nabiktima o mabibiktima ng mga suspek.

Facebook Comments