Magpapakawala raw ng “political revolution” si US Senator Bernie Sanders

120

Ito ang pangako ng Senador kasabay ng paglulunsad niya ng kanyang 2020 presidential bid.

Sa kanyang talumpati sa Brooklyn, New York, tinawag niyang “most dangerous president” sa kasaysayan ng Amerika si Donald Trump.

Sakaling mahalal na Pangulo, nangako rin si Sanders na pagbubuklurin ang mga mamamayan ng amerika, pagpapataas ng minimum wage at gawing libre ang matrikula sa mga unibersidad at kolehiyo.

Matatandaang natalo kay Hillary Clinton ang 77-year-old independent Senator sa 2016 democrat race.

Bukod kay Sanders, sampung iba pa ang tumatakbo bilang democrat candidate kabilang sina Massachusetts Sen. Elizabeth Warren at New Jersey Sen. Cory booker.

Facebook Comments