3 Magsasaka, Arestado sa Aktong Pagbiyahe nang mga Iligal na Kahoy!

*Cabagan, Isabela*- Arestado ang mga kapwa magsasaka sa aktong pagbibiyahe ng mga hindi dokumentadong kahoy sa Brgy. Amgancasilian, Cabagan, Isabela pasado 3:00 kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Pagulayan, 36 anyos, may asawa at Rostum Bassig, 45 anyos maging si Jerry Soriano, 45 anyos na kapwa mga magsasaka at residente ng Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Bonifacio Binondo ng PNP Cabagan, ibibiyahe sana ng mga suspek ang 21 piraso na 336 board feet na pinutol na kahoy lulan ng kolong-kolong patungo sa Bayan ng Sto. Tomas, Isabela.


Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 705 o ‘Revised Forestry Code of the Philippines ‘

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek para sa inquest proceedings.

Facebook Comments