Online application form link, binuksan para sa mga estudyante na mag-a-avail ng libreng sakay

Binuksan ng DOTr-MRT ang student form online para sa mga  mga gustong  makakuha ng student free ride ID.

Para makapag-apply online gamitin ang link na ito https://t.co/fB76V6LNd9, o lumapit sa mga Malasakit Help Desk na matatagpuan sa mga istasyon ng MRT-3, LRT-2 at PNR.

Inanunsyo ng MRT na libre ang sakay sa mga estudyante sa kanilang mga tren.


Pero may oras lang kung kailan libre ang mga estudyante, ayon kay Transportation Secretary Art Tugade.

Ito ay mula 5 hanggang 6:30 ng umaga at mula 3 ng hanggang 4:30 ng hapon.

Facebook Comments