3 Magsasaka sa Cagayan, Huli sa Pagpupuslit ng mga Iligal na Kahoy!

Tuguegarao City, Cagayan – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code ang tatlong magsasaka sa Peñablanca, Cagayan matapos mahuli sa pagbi-biyahe ng mga iligal na pinutol na kahoy pasado alas tres ng madaling araw sa Brgy. Larion Alto, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakalap ng impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang mga suspek na sina Johny Calagui, 48 anyos, may asawa; Melchor Baccay, 44 anyos, may asawa at Jofie Tuliao, 41 anyos, may asawa at pawang mga residente ng Brgy. Quibal, Penablanca, Cagayan.

Naharang nang pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID) 2 sa pangunguna ni P/Maj Rodante Albano at mga tauhan ng Tuguegarao City Police Satation ang mga suspek habang nagpupuslit ng hindi pa mabatid na bilang ng mga kahoy sakay ng KIA VESTA Van na may plakang XHF 386.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Tuguegarao ang mga suspek at nakumpiskang mga kahoy at nakatakdang ipasakamay sa mga tauhan ng DENR 02.

Facebook Comments