3 Mahistrado ng SC, posibleng lumabag sa Konstitusyon at sariling Rules – ayon kay Jess Aranza

Manila, Philippines – Hiniling ni Federation of the Philippines Industry Chairman Jesus Aranza na imbestigahan ng Korte Suprema ang tatlong Mahistrado tungkol umano sa iregularidad sa Third Division ng Supreme Court.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Aranza na hindi nito kinukwestyon ang kanilang desisyon pero hindi umano sila sumunod sa Rules ng Korte Suprema kung saan una ng ibinasura ang kaso dahil nakasaad sa kanilang Rules na dapat 7 araw bago pag usapan ang kaso ay dapat ay naiparating na nila sa kanilang mga kasamahan na Mahistrado.

Paliwanag ni Aranza na sina Acting Chairman Lucas Bersamin, Noel Tijam at Alexander Gesmundo ang nagponente umano ng naturang desisyon noong August 16, 2017 na may kinalaman sa pagkakautang nina Felix at Carmen Chua et al laban sa United Coconut Planters Bank.


Giit ni Aranza napakahalaga umano ang naturang usapin dahil dapat maingat ang Korte Suprema sa mga desisyon dahil sila ang pinakamataas na Korte na inaasahan ng publiko.

Facebook Comments