Liderato ng Senado, kumpyansang idi-deklara ng SC na umaayon sa konstitusyon ang BOL

Manila, Philippines – Tiwala sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senate Minority Leader Franklin Drilon na kikilalanin ng Korte Suprema na umaayon sa konstitusyon ang Bangsamoro Organiz Law o BOL.

Pahayag ito nina Zubiri at Drilon makaraang hindi maglabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order o TRO na pipigil sa isasagawang plebesito para sa BOL sa Enero 21.

Diin nina Zubiri at Drilon, dumaan sa masusing konsultasyon at deliberasyon ang BOL at tiniyak nilang sumusunod ito sa itinatakda ng saligang-batas kaya tiwala silang kayang-kaya itong idepensa ng solicitor general.


Kasabay nito ay umapela din si Zubiri sa mga mahistrado ng kataas taasang hukuman na ikonsidera ang kapayapaan at kaunlaran sa buong Mindanao at kapakanan ng ating mga kapatid na muslim kontra sa mga inihaing petisyon laban sa BOL.

Facebook Comments