Manila, Philippines – Tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang tatlong transnational-drug trafficking organization na pangunahing pinagkukunan ng shabu sa bansa.
Ayon kay PDEA-Director Aaron Aquino, sangkot sa global illegal drug market ang maimpluwensyang United Bamboo Gang o Bamboo Triad; 14k triad o Hongkong Triad; at Sun Yer On Triad.
Batay sa record ng PDEA, ang Bamboo Triad na nakabase sa Taiwan ay nagsimula 1950’s pa at nag-ooperate sa US, Canada, Britain, France, At Australia at iba pang lugar sa Asia kasama na ang Pilipinas.
Habang ang 14k Triad naman ay nagsimula sa Guangzhou, China noong 1945 bilang anti-communist task force pero makalipas ang apat na taon ay nasangkot na ito sa large-scale drug trafficking sa buong mundo.
At 1919 naman nagsimula ang Sun Yee On Triad sa Hongkong, na ngayon ay nakabase ito sa mainland China at Macau na may 55-libong miyembro sa buong mundo at ito rin ang most organized at pinakamayamang triad.
Ang mga triad na ito ay kayang mag-ship ng tatlong toneladang shabu sa bansa na idadaan sa sa karagatan, paliparan, at mga pantalan.