PNP Chief Dela Rosa, binanatan sa sinabi nitong inggrato ang mga nakinabang sa war on drugs

Manila, Philippines – Sinopla ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano si PNP Chief Ronald Bato dela Rosa sa pagtawag ng heneral na inggrato ang mga tumutuligsa sa war on drugs ng gobyerno dahil nakinabang rin naman ang mga ito.

Giit ni Alejano, walang utang na loob kay Dela Rosa ang taumbayan at trabaho ng PNP Chief ang ibinigay na mandato sa kanya na labanan ang iligal na droga.

Aniya, maituturing na ‘thankless job’ ang paglilingkod sa pamahalaan kaya sinabi nito kay dela Rosa na “damn if you do, damn if you don`t.”


Paalala ni Alejano kay Dela Rosa, inilagay siya ng Pangulo sa posiyon para serbisyuhan ang taumbayan at hindi para singilin ang mga Pilipino.

Dagdag naman dito ni Akbayan Rep. Tom Villarin, mukhang nasa ibang planeta si Dela Rosa dahil sa kakaiba nitong pananaw.

Aniya, darating ang araw na papapanagutin si Dela Rosa sa 13 libong mga pinatay sa war on drugs.

Facebook Comments