3 Menor de Edad na Most Wanted sa kasong Pagnanakaw, Arestado

38

Cauayan City, Isabela- Tatlong menor de edad na pawang Top Most Wanted ang dinakip ng mga awtoridad matapos isilbi ang mandamiento de aresto ng mga ito sa kasong Pagnanakaw sa Brgy. Gen. Aguinaldo, Ramon, Isabela

Kinilala ang mga akusado na itinago sa pangalang Mark, 16 anyos, Rick 17 anyos at Wilmar, 17 anyos na kapwa mga binata at mag aaral na residente sa nasabing barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ramon, inaresto ang mga menor de edad sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Nicasio Bautista ng RTC Br. 21 Santiago City para sa kasong Robbery na may petsang Oktubre 7, 2019 sa ilalim ng criminal case no. 21-12229.

Si Mark ay itinuturing na Top 4, Top 2 si Rick habang Top 3 naman si Wilmar na kapwa Most Wanted Person Municipal Level.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga ito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (72,000.00) para kay Mark, (P72,000.00) din naman para kay Rick habang (P72,000.00) din para kay Wilmar.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang tatlong menor de edad para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers