3 Milisyang Bayan at 1 NPA na Sumuko sa 86th IB, Nabigyan ng Ayuda mula sa E-CLIP

Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng apat (4) na dating rebelde ang kanilang ayuda mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni SSgt Benjie Maribbay ng 86th Infantry Battalion sa programang Sentro Serbisyo ng 98.5 iFM Cauayan.

Kinabibilangan ito ng isang (1) dating regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) at tatlo (3) na Milisyang Bayan na pawang mga galing sa probinsya ng Quirino.


Pinangunahan ng 86th IB sa pamumuno ni LtCol Ali Alejo ang pagbibigay ng livelihood assistance sa mga ito gaya ng welding kit at iba pang mga materyales na inihandog ng DOLE Quirino.

Ayon pa kay SSgt Maribbay, una nang nabigyan ng financial assistance at sumailalim sa livelihood training assistance ang naturang apat maging ang iba pang mga sumuko na kasapi ng NPA at mga Milisyang Bayan.

Inaasahan pa aniya na may mga susunod pang batch ng dating rebelde ang mabibigyan ng tulong sa ilalim ng E-CLIP na ipinangako ng pamahalaan para sa mga susukong miyembro ng NPA.

Samantala, muling naghatid ng mga medical supplies ang tropa ng 86th IB sa ilang mga ospital sa Lambak ng Cagayan bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagbibigay serbisyo para sa mga medical at health workers na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

Facebook Comments