Friday, March 6, 2026

Publiko, hinimok ng DOE na gumamit ng hybrid electric vehicle para makatipid sa enerhiya

Hinimok ng Department of Energy (DOE) na gumamit ng hybrid electric vehicle para makatipid sa enerhiya.

Sa harap ito ng giyera sa Middle East kung saan apektado ang supply ny langis.

Ayon kay DOE Director IV for Energy Utilization Management Bureau Patrick Aquino, naglabas na rin sila ng rekomendasyon sa mga ahensya ng pamahalaan hinggil sa kung paano makakatipid sa enerhiya.

Samantala, inihayag ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na posible ring ipatupad ang utay-utay na oil price increase.

Nanindigan din ang DOE sa pagbibigay ng diskwento sa langis sa public transportion.

Facebook Comments