3 million doses ng Sinovac vaccines at mahigit 2 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccines, dumating sa bansa kagabi

77

Dumating na sa bansa ang karagdagang 3 million doses ng Sinovac Vaccines at 2,020,590 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines.

Dakong alas-6 kagabi nang dumating ang mga bakuna ng Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.


Habang alas-11:50 kagabi rin dumating ang Pfizer-BioNTech na ginanap naman sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sa ngayon, umabot na sa 17.9 milyon Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna o yung mga fully vaccinated, at 22.5 milyon ang nakatanggap ng unang dose.

Facebook Comments