Mahigit tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa tatlong magkakasunod na araw sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naganap ito nitong November 10 na nakapagturok ng 1,052,600 doses; November 11 na mayroong 1,239,981 doses at nitong November 12 na nakapagturok ng 971,159 doses ng COVID-19 vaccine.
Batay sa huling datos ng National COVID-19 vaccination, umabot na sa 69,713,994 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa kung saan 38,148,431 ang unang dose at 31,570,463 ang ikalawang dose.
Sa Metro Manila, aabot na sa 10 milyong indibidwal ang nabakunahan na 101.92% ng populasyon nito kung saan 92.12 ang fully vaccinated.
Facebook Comments