Nababahala ang mga residente sa Taal, Batangas dahil sa mga pagguho ng lupa na lumikha ng tatlong malalalim na hukay na nagmistulang sinkhole.
Ayon sa lokal na pamahalaan, naitala ang mga pagguho ng lupa sa Barangay Apakay.
Isa sa mga hukay ay may lalim na 10 metro, may lawak na nasa apat na metro at halos lamunin nito ang bakod at gate ng bahay ng isang residente doon.
Tumawid ang mistulang sinkhole sa kalsada hanggang patungo sa gubat kung saan mala-bangin din ang naging pagguho ng lupa.
Nangyari ang mga pagguho ng lupa matapos ang magkakasunod na malakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.
Facebook Comments