Blacklist SIBOL, nasungkit ang gintong medalya sa SEA Games

50

Nasungkit ng Team Philippines – Blacklist SIBOL ang gintong medalya para sa Mobile Legends event sa 31st Southeast Asian Games o SEA Games.

Tinalo nila ang koponan ng Indonesia sa score na 3-1.

Bago ito, pinadapa muna ng Blacklist SIBOL ang Team Malaysia, Laos, Myanmar at Singapore para makaabante sa finals.


Ito na ang ikalawang beses na nanalo ng gintong medalya ang Team SIBOL sa Sea Games.

Facebook Comments