3 miyembro ng Rebeldeng Grupo, Sumuko sa Pamahalaan

*Cauayan City, Isabela*- Nadagdagan na naman ang mga miyembro ng rebeldeng grupo ang sumuko sa pamahalaan pasado 9:30 kagabi sa Brgy. Pelaway, Alfonso CastaƱeda, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga sumukong miyembro na sina alyas Diego, 36 anyos; Dionni, 38 anyos at June, 41 anyos at kapwa mga naging miyembro ng grupong CTG KLG Caraballo CLRC.

Ayon sa ulat ni PBGen. Angelito Casimiro, ito ay sumuko dahil sa implementasyon ng ā€˜OPLAN HIKAYAT CHARLIE at DELTAā€™ matapos ang ginawang sanib pwersa ng Special Intelligence Operation, 201st Maneuver Company, RMFB2.


Narekober naman sa mga sumukong dating rebelde ang isang (1) shotgun, dalawang (2) hand grenade at apat (4) rifle grenade.

Tiniyak naman ng awtoridad ang pagbibigay ng tulong sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Facebook Comments