Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong inihaing motion-for-intervention kaugnay ng mga petisyong nagpapakansela sa kandidatura sa pagkapangulo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa 2022 election.
Batay sa desisyon ng 2nd Division ng Comelec, hindi na nito tatanggapin ang mga ihahain pang motion for intervention o petition in intervention sa hinaharap.
Layon ng gawain na hindi na maantala ang pagresolba sa mga pangunahing petisyon ng ilang civil leaders na nagpapakansela ng Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos.
Ang mga tinatawag na intervener ay ang mga indibidwal o grupong may legal interest sa isang usapin.
Tinatayang nasa walong petisyon pa ang nakabinbin sa Comelec para madiskwalipika at maideklarang nuisance candidate si Marcos.