BAYAN NG SAN QUINTIN COVID-19 FREE NA

19

COVID-19 free na ang bayan ng San Quintin sa araw ng December 13, 2021.

Sa datos ng Municipal Health Office gumaling na natitirang dalawang (2) kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa naganap na flag raising ceremony kahapon, itinuturing ito ng lokal na pamahalaan ng bayan na maagang pamasko para sa bayan ng San Quintin.


Bagama’t COVID-19 free na ang bayan, pinaghahandaan parin ng LGU San Quintin ang bagong variant na Omicron.

Ipinaalala naman sa mga mamamayan ng San Quintin na mag-ingat pa rin sa banta ng virus. | ifmnews

Facebook Comments