Kaugnay nito,nadakip naman ang isang suspek sa kasong iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Alicia Police Station at anim (6) naman ang nahuli sa illegal gambling o pagsusugal sa Cordon at Burgos.
Samantala, walong armas naman ang napasakamay kontra Boga at labing anim na iba’t ibang klase ng armas dahil sa hindi pag-renew ng kaukulang dokumento para sa Oplan Katok.
Kabilang rin sa boluntaryong isinuko ang isang (1) yunit ng Rifle Grenade at isa rin ang naaresto naman sa paglabag sa Omnibus Election Code o Gun Ban.
Bukod pa dito, naitala naman ng pulisya ang 246 violators na nabigyan ng citation tickets mula sa LGU at LTO sa kanilang ipinatupad na Traffic Laws at Ordinances.
Sa OPLAN E-VISA, kabuuang 153 ang lumabag sa mga operasyon na isinagawa ng pulisya.
Pinuri naman ni IPPO Acting Provincial Director PCol. Julio Go ang kapulisan matapos ang matagumpay na operasyon sa patuloy na pagsugpo ng kriminalidad sa lalawigan ng Isabela.