Suplay ng bigas sa bansa, posibleng madagdagan pa – DA

Posibleng madagdagan pa ang 92% na suplay ng bigas sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, titiyakin nilang sasapat ito para sa lahat ng mamamayan sa bansa.

Dagdag pa ni Dar na marami silang ginagawang rice supply scenarios tulad ng forecasting upang magkaroon ng mas malinaw na projection sa rice stock inventory.


Samantala, sinabi rin ng kalihim na iinspeksyunin nila ang mga bodega ng mga rice traders upang maiwasang makontrol ng mga negosyante ang presyo ng bigas sa Pilipinas.

Facebook Comments