3 on 3 Basketball Challenge | Cauayan Team vs. MPBL Team, Magtatagisan Ngayong Hapon!

78

*Cauayan City, Isabela- *Magtatagisan ng galing sa larangan ng basketball ang Cauayan Team at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Team kasabay sa pagsisimula ng Gawagaway-yan festival ng Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Mr. Jonathan Medrano, Sports Coordinator ng LGU Cauayan City, magsisimula mamayang alas singko ng hapon ang laban ng dalawang grupo kung saan kabilang sina Mayor Bernard Dy, Vice Mayor Bong Dalin at mga City Councilors para sa Cauayan Team.


Makakaharap ng Cauayan Team ang ilang mga celebrities na manlalaro ng MPBL Team.

Dagdag pa ni Medrano, nasa higit kumulang 200 teams ang sumali sa ibat-ibang kategorya ng 3 on 3 Basketball Challenge ngayong pista ng Cauayan.

Imbitado rin anya ang lahat na manood para sa gaganaping 3 on 3 basketball Challenge ngayong hapon.

Nakipag-uganayan na rin ang kanilang tanggapan sa PNP at POSD para sa seguridad sa naturang laro.



Samantala, hinihintay na lamang na mabuo ang anim na grupo para sa 3 on 3 Beki upang masimulan na ang kanilang laro.


Facebook Comments