Kampanya  para magdaos ng free voters education, kailangan ang  partisipasyon ng mga eskuwelahan ayon sa Go for Vote Movement

79

Balak ng Go for Vote Movement na makipag partner sa mga private at public schools upang mas mapalawak pa ang kanilang kampanya na pagbibigay ng  libreng voters education bago ang halalan sa Mayo.

Ayon kay Atty. Erickson Balmes , Pangulo at convenor ng grupo ,bagamat  limitado na lang ang araw bago ang eleksyon kaya pa nilang mag organisa ng mga seminars para sa  mga stakeholders .

Naglilibot na sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at ibang lugar sa  bansa ang mga volunteers ng Go for Vote Movement at hinihikayat ang mga registered  voters na bumoto.


Itoy pagkatapos pormal na  ilunsad nitong nakalipas na araw  sa Quezon City  ang bagong advocacy group.

Paglilinaw pa ni  Atty. Balmes, non – partisan at non- governmental organization ang samahan at binubuo ng mga  volunteers.

Dito sa Metro Manila , target ng kanilang free voters education seminar  ang mga  eskwelahan at tumatanggap din sila ng mga imbitasyon  para puntahan .



Facebook Comments