3 opisyal ng PNP Central Visayas sinibak sa pwesto dahil sa paglalaro ng golf sa oras ng trabaho

366

Tinanggal sa pwesto ni PNP Chief Police Gen Archie Francisco Gamboa ang tatlong police officials sa PNP Central Visayas matapos na mabuking na naglalaro ng golf sa oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay Gamboa dalawa sa police official ay mapo-promote na sana sa ranggong Full Col pero dahil sa nangyari ay mapupurnada ito.


Ang posisyon aniya ng tatlong police official ay Regional Comptroller ng PNP Central Visayas, Chief ng Finance at pinuno ng PDEG.

Inihayag ni Gamboa halos araw araw naglalaro ang mga ito na nagsisimula 5:30 ng umaga.

Taliwas ito sa kanyang utos na bawal maglaro ng golf bago ang office hours dahil gusto nya alas 8:00 ng umaga nasa opisina na sila.

Payag naman daw si Gamboa na maglaro sila ng Golf pero dapat pagkatapos ng office hours, weekends at holidays.

Facebook Comments