3 ospital sa Metro Manila, nasa sa critical level na

Isinailalim ang tatlo mula sa 149 ospital sa Metro Manila sa critical level pagdating sa bed capacity para sa COVID-19 patients.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa mga ospital na nasa “critical” level, dalawa ang umabot na sa 100 percent bed occupancy na kinabibilangan ng Mary Chiles General Hospital Inc. at Bernardino General Hospital 1.

Mababatid na naka-classify ang occupancy levels para sa COVID-19 beds sa health centers bilang critical, high risk, moderate, at safe.


Sinabi naman ng DOH na ang bed occupancy rate para sa buong Metro Manila ay nananatili sa “safe” zone sa 35 percent, o 2,518 mula sa 7,190 total beds na okupado.

Facebook Comments