Asian qualifying ng 2022 Qatar World Cup, muling kinansela

29

Sa ikatlong pagkakataon, muling kinansela ang natitirang mga laro sa ikalawang round ng Asian qualifying ng 2022 Qatar World Cup at inilipat ito sa Hunyo dahil sa Coronavirus.

Isa ring dahilan ng kanselasyon ng torneo ay ang ipinatutupad na travel restrictions sa mga bansa bilang pag-iwas sa pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.


Hinimok naman ng Asian Football Confederation ang mga miyembro nito na mag-host na lamang sa mga ka-grupo nila para maging centralized ang format sa Hunyo.

Facebook Comments