3 pakete ng hinihinalang cocaine muling narekober sa Batanes

36

Muling nakarekober ng tatlong pakete ng hinihinalang cocaine sa karagatan sakop ng Basco, Batanes kahapon.

Sa ulat ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac isang mangingisda na kinilalang si Roger Gallo Gabotero residente ng Barangay Kayhuvukan Basco Batanes na nakakita ng hinihinalang cocaine habang nangingisda.


Nakabalot ito sa puting plastic green foil na may kasamang refined Chinese tea at may Chinese characters markings at letter A red markings.

Itinurn over agad ng mangingisda sa Basco Police Station ang narekober na cocaine na nakatakda namang ipadala PDEA Region 2 para sa  laboratory examination.

Facebook Comments

From Advertisers