3 Pamilya, Natulungang Makauwi sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Tatlong pamilya ang muling natulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa ilalim ng programang “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” (BP2) na ligtas na nakarating sa Lungsod ng Ilagan.

Nanirahan sa National Capital Region (NCR) ang tatlong pamilya na kung saan apektado rin ng COVID-19 pandemic at nawalan ng trabaho at ginustong bumalik na lamang sa Isabela upang muling makapagsimula na mamuhay sa probinsya.

Nang makarating sa drop-off point sa PSWDO Building, IDRRM Complex, Alibagu, City of Ilagan noong July 9, 2021, binigyan ng PGI ang tatlong benepisyaryo ng tig-Php5,000 na cash aid, bigas at groceries habang may tig isang libong piso naman ang bawat miyembro ng tatlong pamilya.


Bukod dito, tumanggap rin ng vegetable seeds at seedlings ang tatlong pamilya mula sa Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 2, food packs at hygiene kits mula sa DSWD-FO2, health supplements mula sa DOH-2 at school bags na handog naman ng DepEd-Division Isabela.

Maayos namang nakauwi ang mga pamilya sa kani-kanilang bayan sa San Mariano, Tumauini at sa Lungsod ng Ilagan.

Samantala, inaabisuhan ang mga nais mag-avail ng nasabing programa, bumisita sa balikprobinsya.ph website upang malaman ang mga dapat na gawin.

Kung may anak na menor de edad, kinakailangan lamang ang kanilang birth of certificate.

Facebook Comments