Nasa walong aspirants na kongresista pa lamang ang naghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections – National Capital Region o COMELEC-NCR hanggang sa mga oras na ito.
Mula October 1 na nagsimula ang paghahain ng COC, nasa 47 na ang kabuuang naghain ng kandidatura para sa pagka-kongresista sa mga lungsod ng Metro Manila.
Ngayong hapon ay naghain ng kanilang COC sina dating Caloocan Mayor Rey Malonzo para tumakbong kinatawan ng 1st District Caloocan, si dating Manila Representative Trisha Bonoan-David na kumakandidato at nagbabalik na kongresista ng 4th District ng Manila at dating Quezon City Representative Bingbong Crisologo na nagbabalik bilang kongresista ng 1st District QC.
Sa mga aspirant, tanging mga supporter ni Crisologo ang dumagsa rito sa COMELEC-NCR habang ang iba ay staff o kapamilya lang ang kasama.
Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga maghahain ng COC hanggang mamayang alas singko ng hapon.