Sumuko ang tatlong rebelde na kinabibilangan ng isang babae sa tropa ng 86th Infantry Battalion ng Joint Task Force (JTF) Tala bitbit ang kanilang dalawang (2) armas na M16 rifle na may kasamang mga magazine at bala.
Batay sa ulat ng Joint Task Group (JTG) na pinamumunuan ni Liberator Commander, Brigadier General Danilo Benavides ng 502nd Infantry Brigade, ang tatlong sumuko ay mga miyembro ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG) at pawang mga residente ng Barangay Villagracia, Maddela, Quirino.
Inihayag naman ni BGen. Benavides, ang pagsuko ng tatlong rebelde ay resulta ng pagsisikap at pagiging masigasig ng mga kasundaluhan ng 86th IB na pinamumunuan ng kanilang Commander na si LTC Joseph Flores katuwang ang mga stakeholders at kapulisan sa pagpapatupad ng NTF-ELCAC.
Pinuri naman ni Major General Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division ang hanay ng 86th IB maging ang mga kaisa nito sa kampanya para tuluyan nang mawakasan ang Local Communist Armed Conflict sa Lambak ng Cagayan.