3 pang kongresista, inalis sa pwesto!

Muling nagsagawa ng rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan tatlong kongresista ang inalis sa kanilang mga pwesto ngayong araw.

Ginawa ang balasahan sa House leadership sa gitna pa rin ng mainit na usapin at isyu ng term-sharing agreement sa Speakership.

Sa sesyon ng plenaryo ay inanunsyo na pinapalitan na bilang Chairman ng Committee on Health si Quezon Rep. Angelina Tan ni Guimaras Rep. Ma. Lucille Nava.


Inalis na rin bilang Chairman ng Committee on Economic Affairs si AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin na pinalitan naman ni Aklan Rep. Teodorico Haresco.

Tinanggal na rin na Chairman ng Committee on Youth and Sports si Valenzuela Rep. Eric Martinez na pinalitan naman ni Manila Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto.

Facebook Comments