3 pangunahing dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig

Nagpapakawala pa rin ng tubig hanggang ngayon ang tatlong pangunahing dam sa Luzon matapos maabot ang spilling level ng mga ito.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology, isang gate ang binuksan nitong mga nakalipas na araw sa Ipo Dam na may kasalukuyang .30 meters sa opening gate nito.

Samantala, apat na gate naman ang binuksan sa Ambuklao Dam na may opening na dalawang metro at Binga Dam na binuksan ang tatlong gate.


Matandaan kahapon dahil sa walang tigil na pag-ulan ay umakyat ang lebel ng tubig sa tatlong dam at nanatili sa high level.

Sa huli ayon sa ahensya, nakitaan ng pagtaas sa lebel ng tubig ng iba pang mga dam na naaapektuhan sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Facebook Comments