KADIWA NG PANGULO, UMARANGKADA SA DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY – Umarangkada sa Dagupan City ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) na pormal na binuksan kahapon ika-2 ng Setyembre hanggang ngayong araw ika-3 ng Setyembre sa isang mall sa Lucao District sa lungsod.
Layon nitong makatulong sa mga magsasaka, mangingisda at ilan pang mga maliliit na negosyo sa lungsod.
Gayundin ang pagkakaroon ng mura at sariwang mga produkto para sa mga Dagupeño lalo na at nagtataasan ang mga presyo ng bilihin ngayon sa merkado.

Samantala, mula naman ang mga maglalako sa Kadiwa ng Pangulo sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan upang dalhin ang nasabing serbisyo. | ifmnews
Facebook Comments