3 panibagong kaso ng CORONA VIRUS Disease 19 naitala sa MAGUINDANAO

Sinasabing ang mga ito ay may direct contact sa mga umuwi mula Cebu City.
Nasa isolation Center na ang mga ito ng IPHO habang nagpapatuloy ang ginagawang contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga pasyente sa naging panayam kay Dra. Elizabeth Samama, Maguindanao Health Officer.
Matatandaang 12 mula 16 na mga nagbalik Maguindanao mula Cebu City ay nagpositibo sa Covid-19.
Nakatutok rin ngayon ang Maguindanao Health Department at ng buong Inter Agency Task Force sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa mga Returning Overseas Filipinos (ROF) at Locally Stranded Individuals (LSI) .
Inilatag na rin ng IATF ang ibat ibang inisyatiba para hindi na dumami pa ang kaso ng COVID sa probinsya.
Simula ngayong araw June 1, isinailalim na rin sa Modified General Community Quarantine.

Facebook Comments