Abala ang mga manggagamot ngayon sa isang malaking ospital sa Albay kaugnay ng pag-monitor ng tatlong pasyente na naka-admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Albay.
Ang mga pasyenteng ito ay inoobserbahan kung may sintomas ng novel corona virus.
Ayon sa report, tatlong pasyente ang ipinasok sa BRTTH nong Huwebes kung saan 2 sa mga ito ay galing sa US pero nag-stop-over sa Shanghai, China.
Ang mag-asawa ay ipinasailalim sa isolation sa nasabing ospital ayon sa polisiya na ipinatutupad ng Department of Health para maiwasan ang pagkalat ng NCoV dito sa Kabicolan.
Maliban sa mag-asawa, isa pang pasyente ang tinututukan ng mga manggagamot dahil sa close contact nito sa mag-asawa.
Kinunan na sila ng mga samples at at ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.
Nasa Blue Alert status na ngayon ang Kabicolan kaugnay ng NCoV base sa deklarasyon ng Office of Civil Defense sa Regional Disaster Management Council kalakip ang atas na dapat mag-set-up na ng mga emergency operation centers sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
3 Pasyente sa Albay, Nasa Isolation, Inoobserbahan Kung May NCoV
Facebook Comments