3 patay , 4 sugatan, 16 naaresto sa awayan sa Lupa sa North Cotabato

Labing anim katao kabilang na ang apat na menor de edad ang inaresto ng Matalam Municipal Police Station matapos maisangkot sa kaso ng pamamaril na nagresulta sa pagkakasawi ng 3 mga magsasaka at pagkakasugat ng 4 na iba pa sa Brgy. Kibudoc Matalam North Cotabato sabado ng umaga.

Sa panayam kay Matalam COP Chief Inspector Bryan Placer kinilala nito ang mga naarestong suspek na sina Joel Viajante,41 anyos, Romar Prado,29, Redmar Samson,32, Reynaldo Mosquera,41,Efren Mosquera,51, Warlito Mosquera,37,Danilo Mercado,25,Lando Helera,43,Jonathan Viajante,42,Alvin Villarin,30, Dennis Olvido, 34,Johnny Patria,27, at ang mga menor de edad na sina Jesirel , Marvin, Megg Kurt at Jorge ,mga residente ng Brgy Estado Matalam North Cotabato.

Nakumpiska sa kanilang mga posisyon ang 5 M1 Caliber.30 Carbine Rifles, 2 caliber.30 M1 Garand Rifles,2 Caliber.7.62 M14 rifles,5 caliber 5.56 M16 armalite rifles,2 M79 grenade launchers, at mga magazine at mga bala.


Matatandaang umaga ng sabado ng mangyari ang insidente sa sitio Radzak na nagresulta sa kamatayan nina Tata Angeles 25yo, George Dilangalen 50y, at During Panga 40yo. Habang wounded sina Jomer Intol Sultan 17yo, Samsudin Delangalen 18yo, Datu Ali Sultan 23yo at Suharto Delangalen mga residente ng Purok Sultan Maslanicampo, brgy. Kibudoc.

Sinasabing awayan sa lupa ang ugat dahilan ng pangyayari. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Matalam PNP. CCTO PIC

Facebook Comments