3 Patay, Isa Kritikal sa Salpukan ng Dalawang Motorsiklo!

1597

*Cabatuan, **Isabela- *Dead on Arrival sa pagamutan ang tatlong katao habang kritikal ang isa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng pambansang lansangan na nasasakupan ng barangay Nueva Era, Cabatuan, Isabela pasado alas singko ng hapon, May 26, 2019.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabagtas ng construction worker na si Adonis Balagat, 40 yrs old ang daan pauwi sa kanyang bahay sa barangay San Manuel, San Mateo nang bigla itong umagaw ng linya at hindi napansin ang paparating na motorsiklo na minamaneho naman ni Elias Celeste, 23 anyos, binata residente ng barangay Andabuen, Benito Soliven kasama ang mga angkas nitong magkapatid na sina Rose De Menia, 18 anyos, dalaga at siyam na taong gulang na si Marvie De Menia.


Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit binawian din ng buhay ang dalawang driver ng motorsiklo at ang siyam na taong gulang na bata.

Inoobserbahan naman sa isang pribadong ospital ang kalagayan ng dalagang si Rose De Menia.

Dinala na sa himpilan ng Cabatuan Police Station ang dalawang sangkot na motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments