Sportsfest 2019 ng PNP, umarangkada na

Pumarada ang mga PNP personnel habang suot ang kani kanilang mga jersey sa harap ng PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Ang mga pulis na ito nakatalaga sa National Headquarters at National Support Unit at ngayon ay nakikiisa sa taunan nilang sportsfest.

Layunin ng PNP sa aktibidad na ito na mas mapaigting pa ang samahan ng bawat unit ng PNP at mas maging disiplinado ang mga pulis.


Hinihikayat din nito ang mga pulis na maging physically fit.

Kung physically fit kasi ang mga pulis ay mas mabilis silang makakapapagresponde sa krimen at mas magiging alerto sa kanilang trabaho.

Tampok sa PNP Sportsfest 2019 ang iba’t ibang sports kagaya ng basketball, volleyball, badminton, table tennis, taekwondo, mini-marathon, swimming, tug-of-war, lawn tennis, bowling, track events, dancesport, boxing, arnis, karatedo at chess.

Facebook Comments