3 patay sa drug operation sa Caloocan City

28

Caloocan City – Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga at holdaper sa kinasang operation ng pulisya sa brgy. 176 Caloocan City.

Nakilala ang mga biktima na sina Arturo Padua Jr. at magtyohin na sina Arnold at Roys Gatilla.

Ayon kay PO3 Jun Hilario ng Caloocan Police Station 3, nakatanggap sila ng tawag mula sa residente na may mga kalalalakihan na kahinahinala ang ginawa sa kanilang lugar.

Aminado ang tatay ni Padua na adik sa droga ang anak na kadalasang pinagmumulan ng away sa pamilya.

Ayon pa kay PO3 Hilario, magbabarkada ang mga suspek at kilalang drug pusher at holdaper sa Caloocan.

Na-recover sa crime scene ang, isang homemade shotgun, 22 caliber piston, pakete ng hinihinalang shabu , mga drug paraphernalia at mga bag na posibleng pag mamayari ng kanilang hinoldap.

Facebook Comments